(Article Updated with photos of class joining flag raising at the Consulate at 9am, June 12)
Filipino Class 2021
As part of The Australian Filipina's offerings for the celebration of the 123rd Anniversary of the Philippine Independence Day we are proud to share the thoughts of a few students in the Saturday School of Community Languages - Filipino class on the relevance of the event to them. The Filipino Class has been held in Bankstown Girls High School on Saturdays since 2000. The students taking Filipino as part of their HSC exams have achieved good results which helped them with their score for their university entrance.
The head teacher at SSCL - Filipino, Mrs Bing Battung advised that this year the enrolled students comprised of 4 doing HSC and 14 Year 11. This is a testimony of the community's trust and great interest to have our youth continue to learn the language, alongside knowing about the Philippine history and culture. Last year, the students who undertook Filipino as part of their HSC did very well.
oo00oo
Napaka-importantenito para sa akin dahil ating inaalala ang mga Pilipinong lumaban upang makamit at ibalik ang kapayapaan ng bansa. Nagkaisa at nakilala bilang isang nasyon at bansa. Narito po ang aking handog na tula.
Para sa Pilipinas
Bata, bata halika rito at iyong pakinggan
Istorya ng ating bansang sinilangan
Ang panahong hangad nati’y kalayaan
At pumiglas sa kadena ng mga dayuhan
Hanggang sa mabawi ang bayan
Para sa Pilipinas.
Sa kaliwa man or sa kanan
Putok ng baril ang mapapakinggan
Mga kababayan ay lumaban
Kahit umuwi pang sugatan
O tumaas sa kalangitan
Para sa Pilipinas.
Sa Diyos tayo’y manalangin
Mag himala sana ang bitwin
At ang pangarap ay dingin
Lumaya nasa pang aalipin
Giyera atin ng tapusin
Para saPilipinas.
Ngayon bata iyong isipin
Na ang ang araw na ito ay mahalaga sa atin
Sanay bawat taon iyon galalahanin.
Para sa Pilipinas.
Rockford Danieles
SSCL Filipino
Bankstown Centre
oo00oo
Ang araw ng kalayaan ay isa sa pinakamakabuluhang pangyayari sa Pilipinas. Matapos ang pagkakasakop ng ibatibang bayan sa matagal na panahon sa wakas nakamit na din ang kalayaan. Simula nung isang libo't siyam na daan at anim napu't dalawa ipinagdiriwang na ang Independence day sa araw ng ikalabing dalawa ng Hunyo.
Ang araw na ito ay hindi lang isang karaniwang piyesta opisyal. Ito ay ipinagdiriwang upang bigyan ng respeto at gunitain ang mga sundalo at bayani na nagbigay sakripisyo para lang maipaglaban ang ating inang bayan. Huwag din kalimutan na itoang nagbibigay kahalagahan sa Pilipinas. Higit sa pagalala sa ating pinaghirapang kalayaan, nawa sa araw na ito ay maging isang pagkakataon napahalagahan ang pamana, kultura at tradisyon ng Pilipino. Ang ating kayamanan at makukulay na tradisyon at kultura mula Luzon, Visaya at Mindanao ay ipinapakita na ang Tauhang Pilipino ay matapang.
Janna Aquino
SSCL Filipino
Bankstown Centre
oo00oo
Noong ikalabing dalawa ng Hunyo, 1898, idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas galing sa Espanya. Sa katapangan at pagkakaisa ng bayan, nagtapos ang mahigit tatlong daan na taon gpagsakop sa bansa. Nagsimula ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas noong 1521, noong nadiskubre ang bansa ng mga Kastila. Sa pagsapit ng ikalabing siyam na siglo, umusbong ang ideya ng nasyonalismo at ito ay naging sanhi ng rebolusyong Pilipinas. Sa tulong ng Amerika sa digmaan, nakamit ng Pilipinas ang kalayaan laban sa mga Espanyol.
Importanteng ipagdiwang ang araw ng kalayaan upangmaalala ang paghihirap na tiniis ng mga kapwa Pilipino para sa ating bansa. Kada ikalabingdalawa ng Hunyo, maraming mg aparada ang naganap upang gunitain ang ating kasaysayan. Sa araw na ito, nakansela ang pagpasok sa lahat ng mga eskwelahan pati na rin ang pagsara ng mga tindahan at establisimyento. Isinasabit din ang bandera ng Pilipinas sa bintana ng mga bahay at nag aalay ng mga bulaklak sa istatuwa ni Jose Riza.Sa ganitong paraan, ginagalang natin ang mga mamamayan na nagsakripisyo ng kanilang buhay para s aminamahal naPilipinas.
Eloise Estrada
SSCL FILIPINO
BANKSTOWN Centre
oo00oo