Sa Gabay Sa Negosyo sa linggong ito para sa Coronavirus, nagbahagi ng mga tip ang Business Australia sa kung paano makuha ang mga gastos sa ‘Nagtatrabaho mula sa Bahay’, 21 Libreng kurso sa negosyo ng TAFE NSW, apat na palatandaan para isara ang iyong negosyo, pitong tip para pamahalaan ang mga gastos at protektahan ang iyong cashflow, paano pamahalaan ang mga empleyadong naka-remote at isang bagong kodigo ng pag-uugali para sa mga komersyal na nagpapaupa at umuupa.
1. Bawas sa buwis ng ATO sa Nagtatrabaho mula sa bahay: Marami sa may-ari ng negosyo ang ngayon ay nagtatrabaho mula sa bahay sa unang pagkakataon. I-click para ma-download ang shortcut ng Business Australia sa pagkakalkula ng mga gastos sa buwis ng ‘Nagtatrabaho mula sa Bahay’ at ano ang kailangan mong gawin para makuha ang mga iyon.
link
2. Iniisip mo ba ang pagsasara ng iyong negosyo? Maraming may-ari ng negosyo ang ngayon ay hindi makapagbukas ng kanilang mga negosyo at ang tanging opsyon ay baka isara ang negosyo. Isa itong mahirap na desisyon at narito ang 4 na dahilan na nangangahulugang baka panahon nang isara.
link
3. 7 paraan upang makatipid at palakasin ang iyong cashflow: Maraming may-ari ng negosyo ngayon ang nauubos na ang cashflow at humaharap sa problema– alinman sa lalong magbenta o lalong magtipid. Upang pamahalaan ang isang negosyo habang may coronavirus napakahalaga ng pamamahala sa pananalapi. I-click dito para sa 7 paraan upang matulungang mapamahalaan ang mga gastos at palakasin ang iyong negosyo.
link
4. Libreng kursong Pangmaliliit na negosyo ng TAFE NSW. Kasama ang ilang may-ari ng maliliit na negosyong naka-lockdown at may libreng oras, ang Pamahalaan ng NSW ay nag-aalok ng 21 online na kursong pangmaliliit na negosyo nang libre saklaw ang kasanayan sa Digital, Pamumuno, Pagsusulat At Presentasyon at Pangangasiwa.
link
5. Anim na tip sa pamamahala ng pagganap ng team ng iyong mga empleyadong naka-remote: Kasama ang ilan o lahat ng empleyadong nasa bahay narito ang simpleng checklist kabilang ang pag-check in, mga online na pagpupulong at pagtuklas ng problema.
link
6. Bagong Kodigo ng Pag-uugali para sa pagpapaupa ng Komersyal na pag-aari: Ang pamahalaang pederal ay naglabas ng bagong kodigo ng pag-uugali para sa pagpapaupang Komersyal para sa mga nagpapaupa at umuupa sa panahaon ng coronavirus. Saklaw ng kodigo ang terminasyon, bawas sa upa, pagpapalawig ng upa, pagpapaliban ng pagbabayad ng utang at pag-access sa mga garantiya ng bangko ng umuupa.
link
7. Mga FAQ sa Coronavirus: Mga sagot sa mga Tanong na Madalas Itanong (FAQ), pati na rin ang Pagtulong ng Gobyerno (Government Assistance) at ang kahulugan ng paghihirap. Ang kahulugan ng Mahalaga at Di-mahalagang Negosyo (Essential and Non-Essential Business), Pagpapaupa sa Komersyal na Pag-aari (Commercial Property Leases), Kalusugan at Kaligtasan sa Lugar na Pinagtatrabahuhan (Workplace Health and Safety), Di-makabuluhang paggawa at pagbabawas sa gawain ng empleyado (Employee stand down and redundancy), Pagliban at suweldo ng empleyado, gayundin ang impormasyon ukol sa mga Apprentices at Trainee.
link
8. Libreng mapagkukunan ng impormasyon ukol sa Coronavirus para sa mga Negosyo: Sa mahirap na panahong ito, alamin ninyo ang mga libreng mapagkukunan ng impormasyon at serbisyo para sa suporta, pati na rin ang libreng serbisyo sa telepono sa wikang English para sa Pagdaragdag ng Tustusin ng Gobyerno (Government Stimulus) at Pinansyal na pagpapayo. (English)
link
9. Nahihirapan na ba ang inyong negosyo na magbayad ng upa? Mag-download ng mga libreng template ng sulat, pati na rin kung paano mag-request ng pansamantalang bakasyon sa pagbabayad ng upa (rent holiday), pagpapababa o plano sa pagbabayad mula sa inyong propyetaryo. Magbasa rin ng payo ukol sa pamamahala at pagprotekta sa inyong negosyo sa mga propyetaryo laban sa pagwawakas ng upa, pagbabawal na pumasok sa mga dakong inuupahan, at kung ano ang dapat gawin kung hindi makatuwiran ang inyong propyetaryo.
link
10 Ano ang dapat gawin habang hinihintay ang Jobkeeper Payment: Ipinahayag ng Pederal na Gobyerno ang 6 na buwang tulong o subsidy sa suweldo upang matulungan ang mga negosyong mapanatili ang kanilang mga empleyado nitong mga panahon ng krisis na dulot ng COVID-19. Ang unang bayad ay dapat mabayaran sa unang linggo ng Mayo. Mag-click dito para makapagparehisto sa programang ito at para sa listahan ng mga bagay na maaari ninyong gawin habang kayo ay naghihintay, at kasama na rin dito ang listahan nang mahigit 1500 Gawad sa mga Negosyo (Business Grants) at kung paano makakapagtipid ng pera para sa pagbabayad ng kuryente.
link
11 Opisyal na wika ng Gobyerno at linya sa Pagpapayo sa Telepono para sa Coronavirus: Nagtipon ang Business Australia ng listahan ng lahat ng opisyal na salita at wika ng gobyerno upang matulungan kayong maunawaan ang epekto ng Coronavirus sa inyong negosyo at mga empleyado. Maging libreng miyembro ng Business Australia upang ma-access sa wikang English ng Workplace Advice Telephone service mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30nu hanggang 5:30nh.
link