Alamin kung paano mo mapapalago ang iyong negosyo sa Google, kung bakit mo dapat i-download ang COVIDSAFE App, at kung aling mga bangko ang nandito para tulungan ka sa panahong ito ng pangangailangan sa lingguhang sumaryo ng Business Australia sa mga update sa Coronavirus.
https://bit.ly/CPBAFilipino

1. Kailangang palaguin nang mabilis ang negosyo para matugunan ang
Coronavirus? Mag-click dito para ma-download ang libreng toolkit na ‘Grow
with Google’ kabilang ang kung paano i-update ang iyong Google Business
Profile, mapansin online, maabot ang bagong mga kostumer sa pamamagitan


ng Google Ads at gumawa ng mas mabuting pagpapasiya sa pamamagitan
ng Google Analytics. https://bit.ly/CPBAFilipino

2. Tumulong sa pagpapanatiling ligtas ng iyong komunidad sa pamamagitan ng
pagda-download ng COVIDSAFE App ng Pederal na Pamahalaan sa Apple
Store o Googleplay. Sumali sa mahigit 2 milyong Australyano na nagdownload na ng app. Para sa karagdagang impormasyon, kabilang ang mga
benepisyo at kung paano mag-download, mag-click dito.

3. Isa ka bang retailer na nahihirapang makabayad sa iyong renta sa ilalim ng
Coronavirus? Alam mo bang pwede kang makiisa sa iba pang may-ari ng
tindahan para sama-samang makipagkasundo sa mga may-ari ng inuupahan
ninyo? Mag-click dito para sa pinakahuling balita

4. Ang Virgin Australia ay may nakapipinsalang utang, walang dumadaloy na
pera o kita at may nanganganib na 15,000 trabaho. Mag-click sa ibaba para
sa mga aral na maaaring matutunan ng lahat ng lider sa negosyo mula sa
pinansiyal na problema ng Virgin, kabilang ang ‘Cash flow is King’, ang
pangangailangan sa matitinding hakbang, ang kahalagahan ng epektibong
komunikasyon at pagpaplano sa pagiging patuluyan.
https://bit.ly/CPBAFilipino

5. Nahihirapan ba ang iyong negosyo sa daloy ng pera habang naghihintay sa
JobKeeper allowance? Namamagitan na ang mga bangko para tumulong sa
mga negosyo at hinihimok din nila ang kanilang mga kostumer na humingi ng
tulong sa kanila. Mag-click sa ibaba para sa listahan ng dedikadong hotline sa
telepono para sa Coronavirus ng mga pangunahing bangko. https://bit.ly/CPBAFilipino


Leave a Comment

Word Count: 0

 

 
Sponsors
 

Newsletter Signup