Gumawa ang Business Australia ng mas maraming artikulo para matulungan kayo at ang inyong negosyo na makausad habang nasa panahon ng Coronavirus.


   Kabilang sa pinakabagong mga artikulo ang pamamahala ng mga remote na pangkat sa pagbebenta upang madagdagan ang kita, paano mas mapapahusay ang ranggo ng inyong kompany sa search engine upang madagdagan ang benta, kung paano gagawin ang inyong hilig o hobby para maging isang full-time na negosyo at gabay para sa napakahalagang desisyon ng mga may-ari ng negosyo na nagtatalakay kung kailangan ninyong humiram, ibenta o isara ang inyong negosyo.

    1. Malaking hamon ang iniharap ng Coronavirus sa pamamahala ng mga remote na pangkat sa pagbebenta. Mag-click dito para sa 5 estratehiya sa pamamahala ng mga taong nagbebenta mula sa bahay, na napakahahalagang tao para muling mapatatag ang pagpasok ng pera sa kompanya. 

  1. Para makapagbenta ng mga produkto at serbisyo, mas mahalaga higit kailanman na pataasin ang ranggo ng inyong produkto sa Google search engine. Mag-click dito para sa mga tip sa pagpapahusay ng inyong ranggo sa paghahanap, pati na rin ang pagpapahusay ng mga pamagat at paglalarawan, paggamit ng mga link, pagbibigay ng panibagong content at kung paano masusulit ang serbisyong ‘Google My Business’. 

  2. Dahil sa Coronavirus, maraming tao ngayon ang naghahanap ng mapagkukunan ng pera mula sa pangalawang negosyo. Narito ang 4 na tip upang gawing full time na negosyo ang inyong hilig o hobby. 

  3. Sa mga panahon ngayon, ang mga may-ari ng negosyo ay nahaharap sa napakahirap na desisyon - hihiram ba, ibebenta o isasara ang inyong negosyo? Mag-click dito para sa maikling gabay upang suriin ang pinakamagandang opsyon para sa inyo, pati na rin ang pag-a-apply ng loan para mapanatiling buhay ito, pagbebenta ng inyong negosyo, paglalagay ng inyong negosyo sa boluntaryong liquidation o pagsasara rito. 
  1. Mayroon ba kayong empleyadong may Coronavirus? May Australian na kompanyang gumawa ng app na sumusubaybay sa mga sintomas ng mga may Coronavirus sa kanilang tahanan. Basahin ang kanilang kuwento rito

View in your preferred language here:

Leave a Comment

Word Count: 0
 
 
 

 

 
Sponsors
 

Newsletter Signup