Dahil maraming negosyo ang nagsisimula nang magbukas muli, tinatalakay ng update ng Business Australia sa Coronavirus ngayong linggo ang lahat ng kailangang malaman ng mga may-ari ng negosyong SME para matulungan silang makabangon.

1.      Nahihirapan bang makabayad ng upa ang iyong negosyo dahil sa Coronavirus? Ngayon ang pinakatamang panahon sa pag-aareglo ng iyong upa para matiyak ang tagumpay ng iyong negosyo sa hinaharap. Mag-click dito para mag-download ng libreng 10 hakbang na gabay sa pag-aareglo ng iyong upa.

2.      72% ng mga negosyo ay mababawasan ng pera sa susunod na dalawang buwan. Ang isang pangunahing desisyon na napapaharap sa mga may-ari ng negosyo ay kung babaguhin ba ang mga presyo para makabuo ng daloy ng pera. Mag-click dito para sa isang makakatulong na listahan ng mga dapat gawin kung dapat bang baguhin ang pagpepresyo ng iyong produkto o serbisyo

3.      Habang parami nang parami ang mga negosyong nagbubukas muli, napapaharap ang ilang may-ari ng negosyo sa hamon ng pagdaragdag ng bagong mga empleyado online. Mag-click ditopara sa gabay sa pag-akit at pagpili ng mga empleyado sa mundo ng Coronavirus, kabilang ang mga payo sa pagsasagawa ng mga online na interbyu

4.      Nag-iinterbyu ka ba nang online kapag nagrerekrut ng bagong mga empleyado? Ang pagpapadama sa kanila na sila ay malugod na tinatanggap at ang pagtatalaga sa kanila sa kompanya ay mas mahirap online kaysa harapan. Mag-click dito para sa Listahan ng mga Dapat Gawin sa kung paano opisyal na tatanggapin ang mga bagong empleyado online

5.      Lahat ng pinakamatagumpay na negosyo ay mayroong nakasulat na plano sa negosyo. Gamitin ang iyong libreng oras sa panahon ng Coronavirus para matiyak na maingat na naisaplano ang iyong estratehiya sa negosyo. Mag-click dito para mag-download ng libreng gabay sa kung paano magsusulat ng plano sa negosyo sa 5 simpleng hakbang

 

 

Leave a Comment

Word Count: 0
 
 
 

 

 
Sponsors
 

Newsletter Signup